Sa harap ito ng panibagong paglabag sa pinasok nilang kasunduan sa Kuwaiti government para sa proteksyon ng mga overseas Filipino workers.
Rudy Santos
Deployment ban sa Kuwait ipapatupad
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakahanda ang Pilipinas na muling magpatupad ng deployment ban sa Kuwait.

Sa harap ito ng panibagong paglabag sa pinasok nilang kasunduan sa Kuwaiti government para sa proteksyon ng mga overseas Filipino workers.

Tinukoy ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang umano’y panggagahasa ng isang pulis ng Kuwait sa isang OFW.

Ayon kay Bello, kung hindi nabibigyan ng sapat na proteksyon at paggalang ang mga Pilipino, posibleng ipatupad ang deployment ban.

Wala na rin umanong dahilan upang panatilihin pa ang labor relations sa mga bansang tulad ng Kuwait.

Ayon kay Bello, inatasan na niya ang labor attache’ ng Pilipinas sa Kuwait para tutukan ang kaso ng pinagsamantalahang OFW.

Binabantayan na anya ang imbestigasyon na isinasagawa ng Kuwaiti police sa suspek na ngayon ay nasa kanila nang kustodiya.

DEPLOYMENT BAN OVERSEAS FILIPINO WORKERS SILVESTRE BELLO III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with