Sa 8,155 na kumuha ng pagsusulit noong nakaraang taon, 1,800 lang ang sinwerteng pumasa sa bar na may 22.07% passing rate.
Twitter/Supreme Court PIO
1,800 bagong abogado nanumpa na
(Philstar.com) - June 13, 2019 - 2:39pm

MANILA, Philippines (Update 2, 3:42 p.m.) — Sa isang special en banc session ng Korte Suprema, nanumpa ang mga pumasa sa 2018 bar examinations ngayong araw na pagmumulan ng mga panibagong abogado ng bansa.

Nangyari ang oath-taking ceremony bandang alas-dos ng hapon sa Philippine International Convention Center, Lungsod ng Pasay.

Sa 8,155 na kumuha ng pagsusulit noong nakaraang taon, 1,800 lang ang sinwerteng pumasa sa bar na may 22.07% passing rate.

"Now that you have passed the bar and have finally gained the distinction of being called an 'attorney-at-law,' your journey to the next chapter – called legal practice – begins," sabi ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe sa kanyang talumpati. 

(Ngayong pumasa na kayo sa bar at maaari nang tawaging "attorney-at-law," magsisimula na ang susunod niyong kabanata na kung tawagin ay legal practice.)

Matatandaang nanguna si Sean James Borja, graduate ng Ateneo de Manila University, sa pagsusulit at nakakuha ng 89.3060%.

Taong 2017, 25.5% lang ng kabuuang 6,748 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa.

Pinaalalahanan din ni Bernabe ang mga bagong miyembro ng Integrated Bar of the Philippines na huwag magpasilaw sa pera at itaguyod ang interes ng katarungan.

"I am certain that the title of an 'attorney' will open you to a whole new world of opportunities. But, at the end of it all, always remember that in whatever opportunity you choose, your integrity is non-negotiable," dagdag niya.

(Sigurado akong magbibigay sa inyo ng mga panibagong oportunidad ang pagiging abogado. Pero sa huli't huli, lagi niyong tatandaan na hindi pwedeng ikompromiso ang integridad.)

Ang 2018 bar examinations ang ika-177 na isinagawa sa Pilipinas.

Ayon sa Kataang-taasang Hukuman ng Pilipinas, magsisimula ang paglagda sa "roll of attorneys" pagdating ng ika-14 ng Hunyo. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

2018 BAR EXAMINATIONS INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES LAWYERS SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with