Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakabanggaan ng F/B Glimver 1 ang Chinese fishing vessel sa lugar na iniulat ng isang mangingisda kahapon bagaman nangyari ito noong Hunyo 9, 2019.
Barko ng Pinas pinalubog ng China sa WPS
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang Filipino fishing vessel ang lumubog makaraang makabanggaan ang isang Chinese fishing vessel malapit sa Recto Bank sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakabanggaan ng F/B Glimver 1 ang Chinese fishing vessel sa lugar na iniulat ng isang mangingisda kahapon bagaman nangyari ito noong Hunyo 9, 2019.

Nabatid na nasa da­lawang araw pa bago nakarating sa pampang ang mangingisdang nag-report ng insidente dahil may kalayuan ang pinangyarihan ng banggaan.

“We denounce the actions of the Chinese fishing vessel for immediately leaving the scene of the incident, abandoning the 22 Filipino crewmen to the mercy of the elements. The F/B GIMVER 1 was anchored at the time when it was hit by the Chinese fishing vessel,” pahayag ni Lorenzana.

Ayon kay Lorenzana, mabuti na lamang at napadaan sa lugar ang isang Vietnamese fishing vessel at nailigtas ang 22 tripulanteng Pinoy na lulan ng pinalubog na barko.

Ang nasagip na mga mangingisda ay inihatid ng mga Vietnamese sa ligtas na lugar sa pakiki­pag-koordinasyon sa AFP Western Command.

Agad namang inatasan ng Philippine Navy ang BRP Ramon Alcaraz na nagsasagawa ng routine maritime patrol sa lugar para tulungan ang mga tripulanteng Pinoy at marekober ang F/B Gimver 1.

“We thank the captain and crew of Vietnamese vessel, for saving the lives of the 22 Filipino crew. However, we condemn in the strongest terms the cowardly action of the suspected Chinese fishing vessel and its crew for abandoning the Filipino crew. This is not the expected action from a responsible and friendly people,” anang Defense chief.

Kaugnay nito, nana­wagan naman si Lorenzana ng masusing imbestigasyon sa kasong ito at makagawa ng mga diplomatikong hakbang upang hindi na maulit pa ang insidente.

DELFIN LORENZANA WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with