Sinabi ng PACC, dumaan sa 7 buwang lifestyle check si Piñol at walang nakita ang komisyon na mayroon itong hindi maipaliwanag na kayamanan.
Geremy Pintolo
DA Chief Piñol inabswelto sa corruption
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Abswelto sa bintang na corruption si Agriculture Sec. Manny Piñol makaraang maglabas ng clea­rance ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na naglilinis sa pangalan nito sa bintang na unexplained  wealth.

Sinabi ng PACC, dumaan sa 7 buwang lifestyle check si Piñol at walang nakita ang komisyon na mayroon itong hindi maipaliwanag na kayamanan.

Ayon kay PACC Chairman Dante Jimenez, boluntaryo ring sumailalim sa lifestyle check ang kalihim matapos pagbintangang nakinabang sa mga transaksiyon sa  kanyang tanggapan.

Ang lifestyle check kay Piñol ay sinimulan noong Nobyembre 2018 sa tulong ng Anti-Money Launde­ring Council (AMLAC), National Bureau of Investigation (NBI), Land Transportation Office (LTO), Land Registration Authority (LRA) at iba pang partner na  ahensiya ng komisyon.

Pinuri din ng PACC si Piñol dahil sa halip na mag-ingay at idepensa ang sarili sa media kaugnay sa  bintang na katiwalian, boluntaryo nitong binuksan ang  kanyang bank records at  financial documents sa mga  imbestigador.

Nakatakda nilang isumite kay Pangulong Duterte ang  resolusyon na naglilinis sa pangalan ni Piñol sa anumang pananagutan kaugnay sa bintang na katiwalian.

MANNY PIñOL PRESIDENTIAL ANTI-CORRUPTION COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with