Batay sa annual audit report ng COA na inilagay sa website nito noong Martes, inilipat ng OVP noong 2018 ang kabuuang halagang P44,664,978.64 sa 29 na lungsod at bayan para pondohan ang iba’t-ibang proyekto at aktibidad bilang bahagi ng Angat Buhay poverty alleviation program.
Ernie Peñaredondo
Angat Buhay project ni Robredo kinalampag ng COA
Elizabeth Marcelo (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinalampag ng Commission on Audit ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa umano’y ilang depekto sa locally funded projects nito na may kabuuang halagang P44.664-million sa ilalim ng Angat Buhay Program ng Office of the Vice President (OVP).

Batay sa annual audit report ng COA na inilagay sa website nito noong Martes, inilipat ng OVP noong 2018 ang kabuuang halagang P44,664,978.64 sa 29 na lungsod at bayan para pondohan ang iba’t-ibang proyekto at aktibidad bilang bahagi ng Angat Buhay poverty alleviation program.

Kabilang sa mga depektong nakita ng COA ang kabiguan ng OVP na humingi ng opisyal na resibo (OR) at liquidation at accomplishment reports mula sa recipient na local govern­ment unit na dahilan para mapag­dudahan ang regularidad, kabuuan at kawastuhan ng proyekto.

Binanggit ng COA na, sa 29 LGU na tumanggap ng pondo mula sa OVP, 10 lang ang nagpalabas ng OR para sa ipinadalang pondo.

Sinabi ng COA na labag ito sa Memorandum of Agreement  ng OVP at LGUs at sa COA Circular No. 2012-001 sa Revised Guidelines and Documentary Requirements for Government Tran­sactions at Presidential Decree 1445 o Government Auditing Code na nagtatakda na ang mga LGU na tumatanggap ng pondo ay kailangang magpalabas agad ng OR para sa halagang tinanggap nila.

Bukod dito, ayon sa COA, hindi nag-follow-up ang OVP sa paghingi ng OR na dapat gawin ng isang source agency o ahensiyang pinagmulan ng pondo.

Sinabi ng COA na ang kawalan ng mga OR ay nagdudulot ng pagdududa sa authenticity ng fund transfer sa implementing agencies.

Binanggit din ng COA na, bagaman sinasabi ng OVP na, sa 29 na proyekto, pito ang natapos hanggang noong katapusan ng 2018 at lima pa noong Marso 25, 2019 o kabuuang 12 proyekto na nagkakaha­laga ng P19,608 milyon, walang isinumiting liqui­dation at accomplishment report ang mga LGU.

Sa sagot naman ng tanggapan ni Robredo sa sulat nito sa COA noong Abril 29, 2019, sinabi ng OVP na nagpadala na ito ng demand letter sa mga nakatanggap na LGU para sa pagsusumite ng mga OR at liquidation at accomplishment report.

Sinabi pa ng OVP na lahat ng OR at liquidation report ay makukumpleto sa lalong madaling panahon.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with