Ayon kay Atty. Ariel Inton, founding President ng LCSP, ang kautusan hinggil dito ng LTFRB ay walang batayan at kabaligtaran sa nauna nang memorandum Circular no 2018-005 nito na ang accredited hatchback units ay pinapayagan at tinatanggap na TNVS sa loob ng tatlong taon para maibalik ang investment ng mga may ari nito.
Michael Varcas
LTFRB binira sa pahirap sa hatchback
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ng  Lawyers for Commuters Safety and Protection ang pagpapahirap ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board sa mga hatchback operators nang magpalabas ng bagong kautusan ang ahensiya  hinggil sa hindi pagtanggap ng aplikasyon sa mga accredited  hatchback units bilang Transport Network Vehicle Service.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founding President ng LCSP, ang kautusan hinggil dito ng LTFRB ay walang batayan at kabaligtaran sa nauna nang memorandum Circular no 2018-005 nito na ang accredited hatchback units ay pinapayagan at tinatanggap na TNVS sa loob ng tatlong taon para maibalik ang investment ng mga may ari nito.

“So ano ang batayan ng LTFRB para hindi tanggapin ang application ng mga accredited TNVS na hatchback?” tanong ni Inton.

“Kung mayroon mang batayan sa di pagtanggap ng aplikasyon sa hatchback accredited para maging TNVS, nagkaroon ba ng konsultasyon tungkol dito?  Dahil sa Memorandum Circular na ito, umaasa ang libu-libong kababayan natin na may marangal silang hanapbuhay na hanggang tatlong taon man lang. Bakit ipagkakait nyo yan?” sabi pa ni Inton. 

LAND TRANSPORTATION FRANCHI­SING AND REGULATORY BOARD TRANSPORT NETWORK VEHICLE SERVICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with