Humingi naman ng paumanhin at pag-unawa si Pangulong Duterte sa mga pasahero sa NAIA 2 na naperwisyo sa delayed flights at cancelled flights.
NAIA sinorpresa sa pagbisita ng Pangulo
Rudy Andal, Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng surprise inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 kahapon ng madaling araw matapos makatanggap ng reklamo hinggil sa mga delayed flights at cancelled flights ng mga eroplano.

Humingi naman ng paumanhin at pag-unawa si Pangulong Duterte sa mga pasahero sa NAIA 2 na naperwisyo sa delayed flights at cancelled flights.

Nangako naman ang Pangulo sa mga pasahero na reresolbahin kaagad sa loob ng buwang ito ang naging aberya sa NAIA.

Kasama at kinausap ng Pangulo sa surprise inspection kahapon ng madaling araw sina Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Captain Jim Sydiongco at Davao businessman Sammy Uy.

Pitong flight na papuntang Manila ang lumapag sa Clark International Airport habang 54 flights ang naantala dahil sa masamang panahon kahapon.

Binigyan ng briefing ng mga taga-airport ang Pangu­lo tungkol sa mga nararanasang problema ng mga pasahero dito.

Nauna rito, dumalaw sa isang burol ang Pangulo kung saan ay nalaman nito ang problema sa mga delayed flights at cancelled flights ng mga eroplano sa NAIA.

Nakakaranas ng mabigat na problema bukod sa delayed baggages, napakainit at maalikabok sa NAIA T2 dahil ginagawa ang gusali.

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with