^
âChinese warships sa Scarborough   huwag ikabahalaâ- DND chief
Ito ang inihayag kahapon ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang reaksyon sa ulat ng Philippine Coast Guard na may umaaligid na mga barko ng China sa teritor­yo ng Pilipinas sa Scarbo­rough Shoal na kilala rin bilang Bajo de Masinloc.

‘Chinese warships sa Scarborough huwag ikabahala’- DND chief

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang dapat ika­alar­ma sa namataang presensya ng  mga Chinese warship sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal na nasa 124 nautical na milya lamang ang layo sa Masinloc, Zambales.

Ito ang inihayag kahapon ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana  bilang reaksyon sa ulat ng Philippine Coast Guard na may umaaligid na mga barko ng China sa  teritor­yo ng Pilipinas sa Scarbo­rough Shoal na kilala rin bilang Bajo de Masinloc.

 Ayon sa Kalihim, bahagi ang nasabing karagatan ng tinatawag na “international waters” at malaya ang sinumang mga bansa kahit pa ang China o maging ang Ame­rika na maglayag sa lugar.

Base sa report ng PCG, naispatan ang mga warship ng China at iba pang mga paramilitary vessels sa bisinidad ng Scarborough Shoal kung saan tila hinahamon pa ng Chinese Coast Guard personnels ang patrol vessels ng Pilipinas.

Samantala, sa presensya ng Chinese Navy vessel na isang frigate  sa nasabing shoal kung saan pinaiiral ng China ang ‘de facto control’ sa lugar simula noong 2012, ito ang kaunaunahang pagkakataon na lumapit sa lagoon ang warship ng China.

Gayunman, sinabi ni Lorenzana na kung siya ang tatanungin ay hindi dapat magkadikit-dikit ang mga barko ng alinmang bansa sa nasabing karagatan dahil posible itong magresulta ng isang malaking gulo na nag-ugat lamang sa pagkakamiskalkula.   

CHINESE WARSHIP PANATAG SHOAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with