Cardema hindi pa tiyak
MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Commission on Elections na hindi pa nakakatiyak si dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema na makukuha nito ang pagsang-ayon ng Comelec sa kanyang petisyon na katawanin ang Duterte Youth partylist sa House of Representatives.
Sinabi ni Comelec Commissioner Luis Tito Guia na takda pa lang silang magdaos ng pagdinig sa iba’t-ibang petisyong kumokontra sa aplikasyon ni Cardema sa substitute-nominee ng grupo.
Sinabi ni Guia na, bagaman nagdesisyon ang Comelec na bigyang-daan ang aplikasyon ni Cardema, hindi pa sila nagdedesisyon kung kuwalipikado ito.
- Latest