Sa report ng COA, na ang nasabing proyekto ay babayaran dapat sa pamamagitan ng deposit on letters of credit subalit hindi ito naipatupad kaya nagresulta ito para hindi makuha ng gobyerno ang mga benepisyo na maaaring makuha doon.
File
Navy may P154-M delay projects - COA
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang tatlong nakabinbing proyekto ng Philippine Navy na nagkakahalaga ng P154.64 million. 

Sa report ng COA, na ang nasabing proyekto ay babayaran dapat sa pamamagitan ng deposit on letters of credit subalit hindi ito naipatupad kaya nagresulta ito para hindi makuha ng gobyerno ang mga benepisyo na maaaring makuha doon.

Kabilang sa mga pro­yektong hindi naipa­tupad ang kontrata mula sa Talon Security Consul­ting, gayundin sa joint ventures ng Propmech Corporation and SAAB, Krusik Ad Valjevo and Stone of David Tactical.

Nilinaw naman ng COA na naideliver ang sa Talon subalit ng testingin ito ay 6 lamang sa 8 ang gumagana dito.

Ang kontrata naman sa Propmech and SAAB ay suspendido habang ang sa Krusik Ad Valjevo and Stone of David ay patuloy pa ang deliberasyon sa contract termination review committee ng Navy.

Paliwanag pa ng COA na ang non-delivery goods at services ay malinaw na paglabag sa “breach of contract” at maaaring makaapekto sa operation ng Navy.

Hinikayat naman ng COA ang Navy na mag-demand ng deliveries of goods at services at siguruhin na maaalis ang mga suppliers na mabibigong sumunod sa kontrata para maiwasan na magamit ang idle funds na maaa­ring magamit sa iba pa na may benepisyo ang gobyerno.

NAVY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with