_ngayon
^

Bansa

PNP kumilos vs e-sabong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinakilos na ng Phi­lippine National Police (PNP) ang mga ope­ratiba nito upang magsagawa ng masusing imbestigasyon at crackdown operations laban sa umano’y iligal na e-sabong.

Ayon kay PNP Directorate for Operations Director Police Major General Mao Aplasca, nakarating sa kanyang tanggapan ang nasabing panibagong uri ng iligal na sugal gamit ang internet sa pustahan.

Sinabi ni Aplasca na inutos na niya ang agarang pag-iimbestiga at pagsawata sa nasabing illegal na e-sabong na umano’y isinasagawa ng Manila Cockers Club gayundin sa mga Off Cockpit Betting Stations (OCBS) sa pamamagitan ng Manila Jockey Club Off Track Betting Stations (OTB).

Partikular na binigyan ng direktiba ni Aplasca si Calabarzon Director Police Brig. Gen. Edward Carranza, PNP-Intelligence Unit at ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

“We will operate against all forms of illegal gambling including e-sabong. I ordered my men to investigate this new form of online gambling, validate and take appropriate action on the matter,” anang opisyal.

Inilabas ang kautusan batay na rin sa reklamo ni Ian O. dela Cruz ng Muntinlupa City hinggil sa aniya’y talamak na iligal na pasugalan (e-sabong) na isinasagawa ng Manila Cockers Club, sa pamamagitan ng OTB ng Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite.

Base sa reklamo ni Dela Cruz, ang naturang gawain ay malinaw na paglabag sa P.D. No. 449 (Cockfighting Law of 1974). Ang e-sabong ang pinakasikat na pamamaraan ng sugal sa kasalukuyan at sakop nito ang international market dahil sa presensiya ng internet na nagagamit sa mabilis na transaksyon sa pamamagitan ng social media flatform.

E-SABONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with