Paliwanag pa ni Villegas, imposibleng pumunta siya sa pulong na tinutukoy ni Advincula dahil may iba siyang pinuntahan noong araw na 'yon.
CBCPNews; The STAR/Michael Varcas
Bishop Villegas itinangging nakipagpulong kay 'Bikoy' para pabagsakin si Duterte
James Relativo (Philstar.com) - June 6, 2019 - 11:28am

MANILA, Philippines — Pinasinungalingan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ngayong Huwebes ang bali-balitang sangkot siya sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang isa si Villegas sa mga tinukoy ni Peter Joemel Advincula na lumahok sa mga meeting sa Ateneo de Manila University noong ika-12 ng Disyembre 2018 para planuhin ang diumano'y pag-oust kay Duterte at matalo ang kanyang mga manok nitong midterm election.

Ayon kay Advincula, na nagpakilalang "Bikoy" sa "Ang Totoong Narcolist" videos na nag-uugnay sa mga kamag-anak at kaalyado ni Duterte sa kalakalan ng droga, bahagi raw ito ng "Project Sodoma" na nilikha ni Sen. Antonio Trillanes para mailuklok si Vice President Leni Robredo bilang pangulo.

"I cannot and will never lend a hand to use illegal or violent means for social change," sabi ni Villegas sa isang pahayag.

(Hinding-hindi ako tutulong para gumawa ng iligal na pamamaraan para makamit ang panlipunang pagbabago.)

Sabi ng obispo, pahihinain lang daw ng iligal na pamamaraan ng pagbabago ang mga demokratikong pundasyon ng lipunan, kung kaya't naniniwala raw siya sa kapangyarihan ng eleksyon.

"I am a priest. My mission is to continue the love of Jesus Christ and to teach His truth always," sabi niya.

(Pari ako. Misyon kong ipagpatuloy ang pag-ibig ni Hesukristo at ituro ang kanyang mga pamamaraan.)

Kasalukuyang nasa "protective custody" ng Philippine National Police si Advincula matapos sumuko sa mga otoridad.

Una nang sinabi ni PNP chief oscar Albayalde na maaari nilang ipatawag sina Villegas, at iba pang mga obispo, para sagutin ang mga akusasyon.

'Nasa ibang lugar, 'di nakipag-meeting'

Paliwanag pa ni Villegas, imposibleng pumunta siya sa pulong na tinutukoy ni Advincula dahil may iba siyang pinuntahan noong araw na 'yon.

"On the day and time, December 12, 2018 in the evening, that I allegedly met with some plotters to overthrow the government, I was in the parish church of Orani in Bataan to deliver the homily at the first Mass of a friend newly ordained priest," dagdag ng obispo sa kanyang statement.

(Noong gabi ng ika-12 ng Disyembre 2018, na kinita ko raw ang mga nagplaplano ng ouster, nasa parokya ako ng Orani sa Bataan para magbigay ng sermon sa unang misa ng bagong ordenang kaibigang pari.)

"As a mortal being like the rest of us, I have no capacity to be in two places at the same time."

(Bilang mortal na tulad ng iba pa, wala akong kapasidad na mapunta sa dalawang magkaibang lugar nang parehong panahon.)

BIKOY OUSTER PLOT PETER JOEMEL ADVINCULA SOCRATES VILLEGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with