

Comelec kumambyo, Smartmatic papalitan
MANILA, Philippines — Sa gitna ng mainit na usapin, biglang kumambyo kahapon ang Commission on Elections at inihayag na bukas ang Comelec para maghanap ng bagong technology provider.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, bukas sila sa payo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpag ang serbisyo ng Smartmatic para sa 2022 elections pero kailangan pa rin itong i-review ng komisyon.
Sa kanyang pakikipag-usap sa Filipino community sa Japan noong nakaraang linggo, sinabi ni Duterte na mas malala ang mga problemang daranasin ng Comelec pag Smartmatic pa rin ang gagamitin nitong technology provider.
Gayunman, nanindigan si Jimenez na malinis at kapani-paniwala ang naging resulta ng katatapos lang na halalan.
Dahil sarado sa kasunduang kontrata ang Comelec at Smartmatic, may dapat aniyang pag-aralang legalidad sa pagpapalaglag sa serbisyo nito.
- Latest