Imee Marcos sinabihang 'wag harangin ang pag-auction ng alahas ni Imelda
Si Imee, na nagtapos sa ika-8 pwesto sa katatapos lang na 2018 senatorial elections, ay anak nina Imelda at dating dikatador na si Ferdinand Marcos.
The STAR/Edd Gumban, File
Imee Marcos sinabihang 'wag harangin ang pag-auction ng alahas ni Imelda
(Philstar.com) - May 31, 2019 - 5:42pm

MANILA, Philippines — Hindi raw dapat harangin ni Senator-elect Imee Marcos ang pag-auction ng mga alahas at pagbibigay ng “compensation” o bayad sa mga biktima ng human rights violations noong Martial law, sabi ng grupong Bayan Muna Biyernes.

Sinabi ito ng mga militante matapos payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasubasta ang mga alahas na nagkakahalaga ng mahigit P704.8 milyon na nakumpiska mula kay dating first lady at Ilocos Norte 2nd district Rep. Imelda Marcos.

Si Imee, na nagtapos sa ikawalong pwesto sa katatapos lang na 2018 senatorial elections, ay anak nina Imelda at dating dikatador na si Ferdinand Marcos.

Ang mga naturang alahas ay nakuha ng Presidential Commission on Good Government, na ahensyang nilikha para mabawi ang mga nakaw na yaman ng nasabing pamilya.

"As it is the proceeds from their sale should be used to compensate the numerous human rights victims during Marcoses' regime, many were not able to get any compensation from the past compensation board," sabi ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares.

(Dapat gamitin bilang danyos perwisyos sa mga biktima ng karapatang pantao ng rehimeng Marcos ang kikitain mula rito, dahil marami ang hindi nakakuha ng anumang kabayaran mula sa nakaraang “compensation board.”)

Kagabi, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang pagpayag ni Digong.

"Sabi ni presidente kagabi na payag ang presidente na makinabang ang taumbayan doon sa mga jewelry. So tinanong ko siya, 'Are you going to give the go signal,' sabi niya, 'Yes,'” sabi ng tagapagsalita ng pangulo na si Salvador Panelo sa ulat ng ABS-CBN.

Dagdag pa ni Colmenares, isang patunay ang mga nabawing alahas na mayroong “ill-gotten wealth” o tagong yaman ang mga Marcos.

Kasama rito ang Malacañang, Roumeliotes at Hawaii (Honolulu) collection, mga mamahaling alahas na nabawi ng PCGG mula sa pamilyang Marcos.

Nakalagak ang mga nasabing alahas ngayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Isang bagong compensation board daw liban sa Human Rights Victims' Claims Board ang dapat buoin para sa mga hindi pa rin nakakukuha ng compensation mula sa dating batas na nagbibigay ng kabayaran, dagdag ni Colmenares. — Edelito Mercene Jr.

BAYAN MUNA ILL-GOTTEN WEALTH JEWELRY MARCOS NERI COLMENARES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with