^
Occidental Mindoro farmers âhalos walang aniâ dahil sa El Niño, umapela ng tulong
Reklamo ng mga magsasaka, hindi pa sila nakatatanggap ng anumang tulong sa gobyerno kahit na nagtabi na raw P95 milyong pondo ang Department of Agriculture bilang tulong pinansyal.
File

Occidental Mindoro farmers ‘halos walang ani’ dahil sa El Niño, umapela ng tulong

(Philstar.com) - May 31, 2019 - 2:14pm

MANILA, Philippines — Umapela ng tulong ang daan-daang magsasaka at mga kababaihan mula Occidental Mindoro sa gobyerno dahil sa mga napinsala nilang pananim dulot ng El Niño magmula pa noong Disyembre 2018.

Mula ang mga magsasaka sa bayan ng Mamburao at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro at kabilang sa mga grupong Samahang Magsasaka sa Kanlurang Mindoro at Samahang Kababaihang Magsasaka sa Mindoro.

“The affected peasants, peasant women and Mangyan farmers are yet to receive any aid from the government, amid 'state of calamity' declaration and press releases by the Department of Agriculture that the damage is near P8 billion," sabi ni Zenaida Soriano, ang national chairperson ng Amihan National Federation of Peasant Women, kahapon sa isang pahayag.

(Ang mga apektadong magsasaka, kababaihan at mga Mangyan ay hindi pa nakatatanggap ng anumang tulong mula sa gobyerno, sa gitna ng deklarasyon ng “state of calamity” at mga pahayag ng DA na malapit nang umabot ng P8 bilyon ang pinsala.)

‘Yan ay kahit sinabi na ni DA Secretary Emmanuel Piñol na naglaan na sila ng P95 milyong Survival and Recovery loan bilang tulong pinansyal sa 3,835 magsasaka habang mahigit P264 milyon naman na insurance ang naibigay para sa 24,119 na iba pa.

Sabi ni Soriano, kakaunti ang aning palay ng mga magsasaka simula Disyembre 2018 hanggang Marso ngayong taon dahil sa tagtuyot.

Kasama raw ang dinaranas nila sa pinsala sa agrikultura ng nasabing mga lugar na umabot sa P275 milyon, habang umabot naman ng P261 milyon ang pinsala sa palay.

Ayon kay DA Undersecretary Ariel Cayanan kahapon, umabot na nang P7.96 bilyon ang pinsala sa palay, mais, isda at iba pang pananim na dulot ng tagtuyot sa buong bansa.

Matataandaan ding nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administronomical Services Administration na maaaring tamaan ng “dry spell” ang Occidental Mindoro.

"Farmers and peasant women demand immediate assistance from the local government to stop the burden of drought, high cost of production resulting to zero or low yield of palay crops," sabi ni Soriano.

(Ang mga magsasaka at kababaihang magsasaka ay humihiling ng agarang tulong mula sa lokal na pamahalaan upang mahinto ang pagpasan nila sa pinsala ng tagtuyot, mataas na halaga ng produksyon na nagreresulta sa wala o mababang ani ng mga pananim ng palay.)

Noong Pebrero nagplano ang DA na bigyan ng “crop insurance” ang mga magsasakang maapektuhan ng El Niño at bayaran ang lahat ng mga posibleng masirang panamin sa pamamagitan ng kanilang Crop Insurance Payments.

Aabot sa P25,000 ang ilalaan kada magsasaka sa SURE loan na maaaring bayaran ng tatlong taon nang walang interes. — Philstar.com intern Edelito Mercene Jr.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE EL NINO FARMERS OCCIDENTAL MINDORO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with