P700-M halaga ng alahas ni Imelda Marcos ipasusubasta na ni Duterte
Kuha ng ilang alahas mula sa Roumeliotes Collection.
The STAR/Edd Gumban, File

P700-M halaga ng alahas ni Imelda Marcos ipasusubasta na ni Duterte

James Relativo (Philstar.com) - May 30, 2019 - 7:53pm

MANILA, Philippines — Nagbigay na ng "go signal" si Pangulong Rodrigo Duterte na ipa-auction ang mahigit P704.8 milyong halaga ng alahas na nabawi kay dating first lady at ngayo'y Ilocos Norte 2nd district Rep.  Imelda Marcos.

Ang balita, kinumpirma ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang ambush interview sa Tokyo, Japan.

"Sabi ni presidente kagabi na payag ang presidente na makinabang ang taumbayan doon sa mga jewelry. So tinanong ko siya, 'Are you going to give the go signal,' sabi niya, 'Yes,'" sabi ni Panelo sa ulat ng ABS-CBN.

Sa isang liham noong ika-7 ng Setyembre 2018, iminungkahi ng Presidential Commission on Good Government kay Duterte na maaprubahan na ang kanilang pagbebenta sa tatlong Marcos jewerly collections:

  • The Malacañan Collection
  • The Roumeliotes Collection 
  • The Hawaii (Honolulu) Collection

Ang PCGG ay isang ahensya na itinayo upang mabawi ang mga nakaw na yaman na napasakamay sa pamilya ni dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos.

Taong 2017 nang katigan ng Korte Suprema ang naunang desisyon noong 2014 na bumabawi sa 400 pirasong “Malacañang Collection.”

Nakalagak sa isang vault sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang tatlong koleksyon.

Ang Malacañan Collection, nakuha mula sa Palasyo matapos ang Pag-aalsang EDSA noong 1986.

Nabawi naman ng Bureau of Customs ang Roumeliotes Collection mula kay Demetrious Roumeliotes, isang Griyego't "associate" ni Imelda, sa Ninoy Aquino International Airport noong 1986.

Nakumpisha naman ng gobyerno ng Estados Unidos mula sa pamilya Marcos ang Hawaii (Honolulu) Collection sa Hawaii taong 1986 na naibalik din sa gobyerno ng Pilipinas.

Nobyembre taong 2018, matatandaang napatunayan ng Sandiganbayan Fifth Division na nagkasala si Imelda sa pitong counts ng graft.

Kasalukuyan ding nasa Japan si Duterte at nakatakdang humarap sa Filipino community doon ngayong gabi.

FERNAND MARCOS ILL-GOTTEN WEALTH IMELDA MARCOS MARTIAL LAW RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with