Sinabi ni Budget officer-in-charge Janet Abuel na ang susunod na national budget ay magiging cash-based.
File
P4.2-T budget panukala sa 2020
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 28, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa P4.2 trilyon ang panukalang national budget para sa 2020 na isusumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa darating na 18th Congress sa mismong araw ng ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa joint session ng Senado at Kamara sa Hulyo 22.

Sinabi ni Budget officer-in-charge Janet Abuel na ang susunod na national budget ay magiging cash-based.

“Itinutulak namin ang cash budgeting pero pinag-aaralan namin ang transisyon.

Tignan natin ang mangyayari sa 2019, pagkatapos, tignan natin kung kailangan ng hinay-hinay na hakbang sa pagtatangkang ganap itong mapagtibay,” sabi ng hepe ng DBM.

Idinagdag pa ni Abuel, ang magiging prayoridad sa 2020 national budget ay ang infrastructure, anti-poverty program at pro-employment spending sa pamamagitan ng strategic infrastructure projects, universal health care at ang Bangsamoro autonomy.

“Batay sa veto message ng Pangulo para sa 2019 GAA [General Appropriations Act], nilinaw niya na, dahil sa naantalang pagkakapasa (ng badyet) at sa election ban, napagtanto namin na mahirap na ganap na ipatupad ang cash budgeting system na kakailanganin ng lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan na magbayad sa loob ng taon,” paliwanag ni Abuel.

CONGRESS DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with