Namatay sa kalaha­ting oras na bakbakan ang mga batang sina Saiful Abdun, 1-taong gulang at Jahida Usab, 12-anyos. Tatlong bata pa na nasugatan ang isinugod sa pagamutan.
Sayyaf umatake: 2 bata patay!
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang bata sa ginawang pag-atake ng teroristang Abu Sayyaf sa community support activity ng militar sa Barangay Igasan, Patikul, Sulu nitong Sabado ng hapon.

Namatay sa kalaha­ting oras na bakbakan ang mga batang sina Saiful Abdun, 1-taong gulang at Jahida Usab, 12-anyos. Tatlong bata pa na nasugatan ang isinugod sa pagamutan.

Anim naman ang nasawi at 7 ang sugatan mula sa panig ng ASG, ayon sa ulat.

Sa panig naman ng militar, limang sundalo ang nasugatan at kasalukuyang ginagamot sa Camp Teodulfo Bautista, Jolo, Sulu.

Ayon kay 11th Infantry D at JTF Sulu Commander Brigadier Ge­neral Divino Rey Pabayo Jr., ang pagkamatay ng dalawang bata at pagkasugat ng tatlong iba pa ay patunay na pati mga sibilyan ay target na ng teroristang grupo.

Sa ulat kay Western Mindanao Command (Wes­mincom) spokesper­son Col. Gerry Besa­na, alas-5:35 ng hapon nang makasagupa ng mili­tar ang mga terorista sa pa­ngunguna ni ASG sub-leader Mundi Sawadjaan.

Umigting ang bakbakan sa pagitan ng militar at bandidong Abu matapos salakayin ng nasa 30 terorista ang Community Support Activity ng militar sa Barangay Igasan.

Kaagad namang rumesbak ang mga tropa ng 13th Special Forces Company.

Sinabi ni Col. Besana, kahit sugatan sa unang bugso ng labanan si 2nd Lt. Christian Capiz, ang platoon leader ng 13th Special Forces, nangibabaw pa rin sa opisyal ang pagkabayani nito kung saan sinagip nito ang tatlong bata na na-trap habang ongoing ang labanan.

Para kay 1102nd Brigade Commander BGen. Peter Angelo Ramos, ang ginawang pag-atake ng Abu Sayyaf laban sa mga sibilyan ay kawalang-galang sa paniniwala ng Islam kung saan hindi man lamang nirespeto ang holy month ng Ramadan.

ABU SAYYAF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with