Sinabi ni Sen. dela Rosa, tulad sa ibang bansa inoobliga ang kabataan pagsapit ng 18 anyos na sumailalim sa 2 taong military service.
facebook
Mandatory military service palit sa ROTC
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isusulong ni Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado ang pagkakaroon ng mandatory military service ng kabataang Filipino sa halip na ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa senior high school.

Sinabi ni Sen. dela Rosa, tulad sa ibang bansa inoobliga ang kabataan pagsapit ng 18 anyos na sumailalim sa 2 taong military service.

“Like other countries na pagdating mo ng 18 years old, obligado ka na mag-serve sa military for 2 years. Walang pakialam ang gobyerno kung anak ka ng mayaman o ng mahirap, kung sikat ka o artista ka. Maganda rin iyon,” wika ng dating PNP chief.

Aniya, sa pamamagitan nito ay maihahanda ang kabataan at mapapalakas din ang territorial defense ng bansa.

“Itong mga kabataan na sige dakdak nang dakdak. Sila lang daw ang makabayan, ang Duterte administration daw ay Team China. Ako ayaw ko na agawin ng China ang ating bansa,” dagdag ni dela Rosa.

“Kaya gusto ko malakas ang ating territorial defense when it comes to foreign aggression, foreign invasion so kailangang i-prepare natin ang ating kabataan na mayroon tayong enough reserves, human resource reserves,” sabi pa ng bagong halal na senador.

Magugunitang inaprubahan ng Kamara noong nakaraang Linggo ang bill para sa pagbabalik ng ROTC sa senior high school.

RESERVE OFFICERS’ TRAINING CORPS RONALD “BATO” DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with