Aplikasyon sa SHS voucher simula na
MANILA, Philippines — Simula na ngayong araw ng Linggo (May 26) ang pagtanggap ng aplikasyon ng Department of Education (DepEd) para sa Senior High School (SHS) Voucher Program para sa School Year 2019-2020.
Ayon sa DepEd, magkasabay ang pagbubukas ng manual at online application para sa programa. Sinabi ng DepEd na ang mga nais mag-aplay sa pamamagitan ng manu-manong pamamaraan ay maaring mag-email o personal na magsumite ng kanilang napirmahang Voucher Application Form (VAF-1), kasama ang kumpletong requirements nito sa National Secretariat ng Private Education Assistance Committee (PEAC), sa 5th floor ng Salamin Building, 197 Salcedo Street, Makati City 1229, hanggang sa Mayo 31.
- Latest