Ito ang mariing sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos madiskubre ang panibagong mga basura mula Hong Kong sa Mindanao International Container Terminal (MICT) sa Tagoloan, Misamis Oriental.
EcoWaste Coalition website
Pinas hindi dumpsite! - Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

Sa basura naman ng HK

MANILA, Philippines — “Hindi dumpsite ang Pilipinas!”

Ito ang mariing sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos madiskubre ang panibagong mga basura mula Hong Kong sa Mindanao International Container Terminal (MICT) sa Tagoloan, Misamis Oriental.

“We commend the Bureau of Customs (BOC) for the early detection of the entry of mixed plastic wastes, which have been declared “assorted electronic accessories” from Hong Kong into Misamis Oriental, Philippines,” pahayag ni Panelo.

Bukod dito, naharang din ng BOC sa Mindanao ang pitong container van ng basura na galing Australia na gagamitin daw panggatong ng isang cement factory.

“We call on concerned agencies of the government to continue exercising vigilance and hinder the entry of such shipments of garbage into our territorial jurisdiction at the first instance,” wika pa ni Panelo.

Magugunita na hindi pa tapos ang problema tungkol sa basura ng Canada.

Una nang inutos ni Pangulong Duterte na kumuha ng private shipping company upang ibalik sa Canada at Australia ang basura nito.

Natuklasan naman na parehong Customs broker ang nasa likod ng Australian garbage materials at ang nagpuslit ng mahigit isang barko na mga basura na pinalusot ng Verde Soko Philippines mula South Korea sa Misamis Oriental noong Hulyo at Oktubre 2018.

“The Palace reiterates the firm position of the Republic of the Philippines that it will not allow its territory to be treated as a dumping ground for trash by any foreign country or entity,” giit pa ng spokesman. (Dagdag ulat ni Doris Franche)

BUREAU OF CUSTOMS HONGKONG TRASH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with