Bumaligtad si Bikoy sa nauna nitong akusasyon at itinuro si Trillanes na nasa likod ng “Totoong Narcolist” video na planong patalsikin si Duterte at iupo si Vice Pres. Leni Robred
Trillanes hindi ka tunay na lalaki! - Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinawag ni Pangulong Duterte na ‘walang hiya at hindi tunay na la­laki’ si outgoing Sen. Antonio Trillanes IV matapos ibunyag ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na ito ang ‘utak’ ng ouster plot laban sa Pangulo.

Bumaligtad si Bikoy sa nauna nitong akusasyon at itinuro si Trillanes na nasa likod ng “Totoong Narcolist” video na planong patalsikin si Duterte at iupo si Vice Pres. Leni Robredo.

Humingi rin ito ng patawad sa pamilya Duterte sa kanyang mga nagawa na pawang kasinungalingan upang iugnay ang mga ito sa illegal drug trade gayundin si Sen. Bong Go.

Kasama anya ang Li­beral Party, Magdalo at Otso Diretso sa des­tabilization plot laban sa Pangulo upang bago matapos ang termino ni Trillanes bilang senador sa June 30 at mapatalsik na si Duterte upang siya ang iluklok ni Robredo bilang kanyang bise-presidente.

Hinamon naman ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kritiko na huwag maging duwag bagkus ay lumantad kung nais talaga siyang patalsikin sa puwesto.

Inakusahan din ng Pangulo si Trillanes na nagmamay-ari ng mga sasakyan at iba pang property subalit nakapangalan sa ibang tao.

“Lalabas rin ‘yan pero sabi ko wala kang hiya, hindi ka lalaki,” dagdag pa ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe kamakalawa ng gabi.

Pinayuhan naman ni Pangulong Duterte si Sen. Go na sundan ang kanyang yapak na maging simple lamang ang pamumuhay at umiwas sa corruption.

ANTONIO TRILLANES IV RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with