Kaso vs nanalong narco politicians tuloy - DILG
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy ang kaso laban sa mga kandidato na nasa narcolist na nagwagi sa katatapos na midterm elections.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, bagaman nirerespeto ng pamahalaan ang kagustuhan ng mga botante ay itutuloy ng DILG ang mga kasog admi­nistratibo na isinampa laban sa mga narco-politicians.

Bagama’t ilan sa mga narco politician ay nagwagi sa halalan, tagumpay na rin para sa pamahalaan at sa bansa na ang iba sa kanila ay nabigo at hindi pinili ng mga botante, ayon kay Año.

Noong Marso, nagsampa ang DILG ng kasong administratibo tulad ng grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, conduct unbecoming of a public officer, at gross neglect of duty sa Ombudsman laban sa 46 narco-politicians na pinangalanan ni Pangulong Duterte.?

Sa mga ito, 37 ang tumakbo sa nakaraang halalan at 26 sa kanila ang nagwagi sa kabila ng nasabing inilabas na listahan dalawang buwan bago ang halalan.?

Kasama sa nasabing mga nagwaging narco-pols ang dalawang congressmen, isang vice-governor, 18 mayors, tatlong vice-mayors, isang councilor at isang board member mula sa Calabarzon, BARMM, Eastern Visayas, Ilocos Region, Northern Mindanao, Western Visayas, Central Luzon, Zamboanga Pe­ninsula, SOCCKSARGEN at Caraga.

2019 MIDTERM ELECTIONS EDUARDO AñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with