Magugunitang ikinulong si “Bikoy” sa detention facility ng PNP-CIDG makaraang sumuko at ibunyag na sina Sen. Antonio Trillanes at ang grupo ng Liberal Party ang nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” video na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Duterte sa illegal drug trade.
‘Bikoy’ isinugod sa ospital
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinugod sa PNP General Hospital si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy matapos makaramdam ng hilo, kahapon ng umaga.

Magugunitang ikinulong si “Bikoy” sa detention facility ng PNP-CIDG makaraang sumuko at ibunyag na sina Sen. Antonio Trillanes at ang grupo ng Liberal Party ang nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” video na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Duterte sa illegal drug trade.

Ayon kay PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, si Bikoy ay nahilo at nang kunan ng blood pressure ay nasa 130/90.

Ayon kay Albayalde nakapagpiyansa na ng P18,000 sa  kasong estafa si Bikoy pero may natitira pa itong 5 counts ng kaparehong kaso na may tig P1,000 piyansa bawat isa.

Mananatili muna sa PNP General Hospital si Bikoy hanggang walang abiso ang mga doktor na lumabas ito at kung may release order na ang korte para rito ay palalayain na ito.

Giit ni Albayalde, hin­di maaaring i-hold sa ka­nila si Advincula kung makapagpiyansa na ito para sa mga kinakaharap na kaso.

BIKOY PETER JOEMEL ADVINCULA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with