Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, mistulang ang mga mismong nasa likod ng kontrobersyal na ­video ang nag-aaway-away na.
Michael Varcas
Pagbaligtad ni Bikoy ‘di kinagat ng Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalewala lamang ng Malacañang ang mga isiniwalat ni Joemel Advincula alyas Bikoy sa ginawang paglantad nito kung saan direktang itinuro si Sen. Antonio Trillanes at iba pang taga-oposisyon na siya umano ang nasa likod ng Bicoy video at Operation Sodoma.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, mistulang ang mga mismong nasa likod ng kontrobersyal na ­video ang nag-aaway-away na.

Ayon kay Andanar, nagkokontrahan na sa salita ng mga idinadawit na personalidad gaya nila Bikoy, Trillanes at Liberal Party (LP).

Samantala, ipinauubaya ni Sen. Panfilo Lacson sa mga awtoridad ang pag-iimbestiga sa mga bagong isiniwalat ni Bikoy.

Sinabi ni Sen. Lacson, hindi sapat ang mga bagong paha­yag nito kung saan ay sinabing hindi totoo ang mga akusasyon niya sa Totoong Narcolist dahil scripted lamang ito.

Wika ni Lacson, kailangang may ebidensiyang maiharap si Advincula para paniwalaan ang kanyang bagong testimonya.

BICOY VIDEO OPERATION SODOMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with