Sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na iimbestigahan nila ang pahayag ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy upang masampahan ng kaso ang mga taong sangkot sa viral video na “Ang Totoong Narcolist” na nagdadawit sa ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Duterte at mga kaalyado nito sa illegal drug trade.
Geremy Pintolo
Leni, Trillanes pananagutin sa ‘Project Sodoma’ – PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pananagutin sa batas ng Philippine Natio­nal Police (PNP) ang mga personalidad sa “Project Sodoma” sa pangu­nguna ng umano’y mastermind na si Sen. Antonio Trillanes, Vice Pres. Leni Robredo at iba pang personalidad sa Liberal Party (LP) kaugnay ng planong pagpapatalsik kay Pa­ngulong Duterte.

Sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na iimbestigahan nila ang pahayag ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy upang masampahan ng kaso ang mga taong sangkot sa viral video na “Ang Totoong Narcolist” na nagdadawit sa ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Duterte at mga kaalyado nito sa illegal drug trade.

“Lahat ng klaseng ebidensya, kukuhanin namin sa kaniya... Kung mayroon kaming makitang ebidensya laban sa kahit sinong tao rito, we will not hesitate to file cases,” pahayag ni Albayalde nang matanong kung sasampahan ng kasong ‘inciting to sedition’ si Sen. Trillanes at iba pang personalidad sa LP.

Sa kaniyang pagharap sa media ay binawi lahat ni Bikoy ang kaniyang alegasyon sa droga sa pamilya Duterte at mga kaalyado nito na umano’y ‘scripted’ lamang ng oposisyon.

Ayon kay Bikoy, si Trillanes umano ang nasa likod ng planong ito sa layong patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte at iluklok sa puwesto si Robredo. 

Ayon kay Bikoy tumakas lamang siya sa kaniyang handler sa isang condominium unit sa Pasig City.

Pinangakuan umano siya ng ‘presidential pardon’ ng oposisyon kapag nagtagumpay ang Project Sodoma na siyam na buwang plinano.

Inihayag ng PNP chief, na kukunin nila ang sworn statement ni Bikoy sa kanyang mga bagong alegasyon sa presensya ng kanyang abogado. 

ANTONIO TRILLANES IV LENI ROBREDO ‘PROJECT SODOMA’
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with