Ayon kay Robredo, bagaman ilang beses siyang nakipagkita kay Sen. Antonio Trillanes, wala silang napag-usapan ukol sa destabilization plot.
Joven Cagande
Destab plot itinanggi ni Robredo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Vice Pres. Leni Robredo ang mga paratang ni “Bikoy.”

Ayon kay Robredo, bagaman ilang beses siyang nakipagkita kay Sen. Antonio Trillanes, wala silang napag-usapan ukol sa destabilization plot.

Sinabi ni Robredo na hinding-hindi makikibahagi sa naturang mga aktibidad ang kanilang partido at maging siya mismo.

“I will never be part of any destabilization. Ang Presidency, destiny ‘yun. Hindi siya napa-plano, hindi siya napa-plot, kasi kung para sa iyo, ibibigay ‘yun. Waste of time ‘yung pagpaplano para pabagsakin ang administration. Besides, it is a subversion of the will of the people,” wika ni Robredo.

Handa raw si Robredo na humarap sa ano mang imbestigasyon “dahil pa­natag ‘yong loob ko sa katotohanan.”

Kinokonsulta naman daw ni Trillanes ang kaniyang mga abogado para sa posibleng paghain ng kaso laban kay Advincula.

“I deny the allegations made by this Bikoy cha­racter,” sabi ni Trillanes sa isang pahayag.

Itinanggi rin ni LP president Sen. Kiko Pa­ngilinan sa isang pahayag na may kaugnayan ang partido kay Bikoy.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with