Base sa Comelec, ang party list groups ay makakakuha ng 61 seats sa Kamara.
Lord Allan Velasco Facebook Photo
Pagpasa ng legislative agenda, bibilis sa pagkapanalo ng 51 partylists – Velasco
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binati ni re-elected Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang mga nanalong 51 party list groups na opisyal nang naiproklama ng Commission on Elections (Comelec).

Base sa Comelec, ang party list groups ay makakakuha ng 61 seats sa Kamara.

Napansin ni Velasco, karamihan sa nanalong grupo ay kaalyado at inindorso ni Pangulong Duterte kaya ang pagpasok nila sa 18th Congress ay magreresulta ng mabilis na pagpasa sa legislative agenda ng administrasyon.

Umaasa rin si Velasco na ang mga nominado sa mga partylist groups ay magiging totoo sa kanilang sektor na kinakatawan sa Kamara at sa kanilang mga adbokasiya.

Subalit anuman umano ang maging political colors ng isang politiko ay dapat ang kapa­kanan ng mga Filipino ang isinusulong ng mga mambabatas para malabanan ang kahirapan, magkaroon ng kapayapaan at mapa­lakas ang ekonomiya ng bansa.

COMMISSION ON ELECTIONS LORD ALLAN VELASCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with