^

Bansa

Canada kumuha ng kumpanya para maibalik ang basura sa kanila; Palasyo tumanggi

James Relativo - Philstar.com
Canada kumuha ng kumpanya para maibalik ang basura sa kanila; Palasyo tumanggi
Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, Hunyo pa raw kasi ito hahakutin sa bansa kung kakagatin ang alok ng Canada, bagay na masyado raw matagal.
Bureau of Customs, file

MANILA, Philippines — Tumanggi ang Malacañang sa alok ng Canada na maisoli ang itinapong basura ng kanilang bansa sa Pilipinas, 'yan ay kahit may nakuha nang shipping company ang gobyerno ng Ottawa para maibalik ito sa kanila.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, Hunyo pa raw kasi ito hahakutin sa bansa kung kakagatin ang alok ng Canada, bagay na masyado raw matagal.

"No. 'Di ba ang sabi nila, it would take until end of June pa? Hindi papayag si presidente doon," sabi ni Panelo sa isang press briefeing ngayong Huwebes.

"Ayaw natin noon. Ang tagal-tagal na masyado."

Dahil dito, itutuloy daw ng Pilipinas ang plano nitong isaoli ang basura sa Canada gamit ang pera ng gobyerno.

Kahapon, sinabi rin ng tagapagsalita na hindi nila iisipin ang gastusin basta't mawala lang sa Pilipinas ang basura ng mga dayuhan.

"I understand from [Finance] Sec. [Carlos] Dominguez that malapit nang ipadala. The trash will be sent back the soonest," dagdag niya.

Maaari raw itong maibalik sa Canada sa susunod na linggo o sa susunod na dalawang linggo.

"Definitely hindi end of June."

Dumating ang mga nasabing basura sa Pilipinas taong 2013 at 2014, dahilan para maging limang taon na itong nakatengga.

Binigyan ng gobyerno ang Canada ng hanggang ika-15 ng Mayo na palugit para kunin na ang basura ngunit napaso na ang petsa.

Dahil dito, pinaalis na ng Department of Foreign Affairs ang ambassador ng Pilipinas sa Canada, kasama ang mga consul ng bansa.

Ang gawi ay tumanggap ng matinding pagkundena mula sa mga environmental groups gaya ng EcoWaste Coalition.

Alok ng Canada

Ang pagtanggi ni Panelo ay tumutukoy sa sinabi ni Catherine McKenna, Environment and Climate Change minister ng Canada, na inatasan na nila ang Bolloré Logistics Canada bago magtapos ang Hunyo.

Gustong akuin ng Canada ng gastusin sa "preparation, transfer, shipment" at "disposal," na aabot sa hindi bababa $1.14 million.

Ani McKenna, iti-treat daw ang mga basura upang umabot sa "safety and health requirements" ng Canada at didispatsahin bago magtapos ang tag-init.

Kasalukuyang nasa 69 container pa rin ng basura ang natitira sa bansa.

Matatandaang nagbanta ang Palasyo kahapon na itatapon ng Pilipinas ang basura ng Canada sa kanilang karagatan kung tumanggi silang tanggapin ito.

Hindi naman daw takot magdeklara ng digmaan si Duterte sa Ottawa patungkol sa isyu.

Panibagong basura mula Australia

Sa gitna ng iringan ng Canada at Pilipinas patungkol sa basura, dumating naman ang panibagong pitong container ng basura sa Pilipinas.

Tinukoy ito ng mga reporter bilang mga gamit na materyales sa construction.

Muli naman itong ikinagalit ng Palasyo.

"We will not allow ourselves to be [a] dumping ground of trash," sabi ni Panelo.

Dagdag pa niya, sing bastos lang ito ng ginawa ng Canada.

Hindi naman nangimi si Panelo na sabihin ipababalik din uli nila ito sa Canada.

"It [is] offensive to this government to be a recipient of trash or basura. We are offended by that. We will not allow it. We'll send them back," wika niya.

Ipinagtataka naman ng pamahalaan kung paano ito muling nakalusot sa bansa.

Oras na mapatunayang "misdeclared" ito ay hindi sila magdadalawang isip na usigin ang mga kinauukulan.

vuukle comment

CANADA

GARBAGE

PHILIPPINES

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with