Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, labis ang pagkadismaya at galit ng Pangulo sa patuloy na pagkabigong matupad ng Canada ang itinakdang May 15 deadline ng pamahalaan.
Edd Gumban
Basura ng Canada ibiyahe na! - Duterte
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napikon na si Pangu­long Duterte sa pag­kabigo ng Canadian go­vernment na kunin ang kanilang itinambak na basura sa bansa kaya inutos na nito na kumuha ng isang private shipping company upang ibalik sa Canada ang kanilang basura.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, labis ang pagkadismaya at galit ng Pangulo sa patuloy na pagkabigong matupad ng Canada ang itinakdang May 15 deadline ng pamahalaan.

“President Rodrigo Duterte is so upset about the inordinate delay of Canada in shipping back its garbage. We are extremely disappointed with Canada’s neither here nor there pronouncements on the matter,” wika ni Panelo.

Masyado na raw ma­tagal upang matupad pa ng Canadian go­vernment ang kanilang pangako na ibabalik nito ang kanilang basura dahil 2013 at 2014 pa ito itinambak sa bansa.

Aniya, papasanin na ng gobyerno ang pagbabayad ng gastos sa pagkuha ng barko upang maisakay ang tone-toneladang basura pabalik sa Ottawa.

“The Philippines as an independent, sovereign nation should not be treated as trash by other foreign nations. If Canada does not accept the trash, the Philippines will leave it within the waters of the North American country,” dagdag ni Panelo.

Kung hindi tatanggapin ng Canada ang kanilang basura ay ita­tambak ito sa sakop ng karagatan nito malapit sa kanilang mga shore.

Una ng nagbanta si Pangulong Duterte na baka pagmulan ng “giyera” kung hindi tatanggapin ng Canada ang kanilang mga basura.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with