Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, umaabot sa 181 party-list groups ang nag­laban para masungkit ang 61 puwesto sa Kongreso.
Russell Palma
51 partylists proklamado na rin
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naiproklama na rin kagabi ng Commission on Elections ang 51 partylist matapos ang canvassing ng Commission on Elections na tumatayong National Board of Canvassers sa nakaraang 2019 elections. 

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, umaabot sa 181 party-list groups ang nag­laban para masungkit ang 61 puwesto sa Kongreso. 

Sa ilalim ng batas, kailangang makakuha ng dalawang porsyento ang kumakandidatong partylist para makasiguro ng puwesto. 

Sinabi ni Jimenez na madaragdagan ang bilang ng upuan ng partylist ng hanggang tatlo kapag nakakuha ito ng botong mahigit sa dalawang porsyento. 

Sakali namang hindi ito maokupahan ng 61 party­list groups, sinabi ni Jimenez na ibibigay ito sa ibang grupo batay sa kanilang ranking.

Naiproklama ang ACT CIS, Bayan Muna, Ako Bicol, Cibac, Ang Probinsyano, One Pacman, Marino, Probinsyano Ako, Senior Citizens, Magsasaka, Apec, Gabriela, An Waray, Coop-Natcco, Alliance of Concerned Teachers, Philreca, Ako Bisaya, Tingog Sinirangan, Abono, Buhay, Duterte Youth, Kalinga, Pwersa ng Bayaning Atleta, Alona, Recoboda, Bagong Henerasyon, Bahay, CWS, Abang Lingkod, A-Teachers, BHW, Sagip, TUCP, Magdalo, GP, Manila Teachers, RAM, Anakalusugan, Ako Padayon, Aambis-Owa, Kusug Tausug, Dumper PTDA,  TGP, Patrol, Amin, AGAP, LPGMA, OFW Family, Kabayan, Diwa at Kabataan.

COMMISSION ON ELECTIONS PARTYLIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with