^

Bansa

Carnapping bumaba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Carnapping bumaba
Ayon kay PNP-Highway Patrol Group (HPG) Director P/Brig. Gen. Roberto Fajardo, bumaba ng 30% ang insidente ng carnapping sa buong 2018 kumpara sa nairekord noong 2017.

MANILA, Philippines — Bumaba ang mga insidente ng carnapping sa bansa matapos na lumipat sa car scamming ang mga sindikato upang makaiwas na magpiyansa.

Ayon kay PNP-Highway Patrol Group (HPG) Director P/Brig. Gen. Roberto Fajardo, bumaba ng 30% ang insidente ng carnapping sa buong 2018 kumpara sa nairekord noong 2017.

Sa kabila nito, aminado naman si Fajardo na tumaas ang bilang ng mga suspek na sangkot sa rent-sangla, rent-tangay.

Noong 2018, 155 behikulo na ginamit sa nasabing modus operandi ang narekober habang 36 ang naibalik sa mga may-ari.

“Actually carnapping nag-mutate na, naging car scam na ngayon so we are now looking ‘yung mga rent sangla, rent tangay. Car scam na ang tawag namin kasi na-maneuver na nila ‘yung hindi sila makasuhan ng carnapping so karamihan ng kaso is estafa lang which is a bailable case,” ayon pa sa opisyal.

Karamihan sa mga insidente ay naiulat sa National Capital Region (NCR), CALABARZON at Central Luzon.

Lumilitaw na paborito ng mga suspek sa kanilang modus operandi ay mga Sports Utility Vehicle at vans.

Sa ilalim ng modus na ‘rent tangay’ scam,  nagrerenta ng behikulo ang mga suspek sa mga may-ari pero di na ito ibinabalik.

Ang rent-sangla naman ay nagrerenta ng behikulo ang mga suspek sa mga may-ari ng sasakyan na nanga­ngakong magbabayad kada buwan pero isinasangla ito sa iba. 

vuukle comment

CARNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with