Pag-regulate sa vape, e-cigar tuloy sa Hunyo
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Health (DOH) na tuloy na sa Hunyo ang kanilang ipatutupad na paghihigpit sa vape at e-cigar.
Sinabi ni DOH spokesperson at Usec Eric Domingo, ilalabas nila ang mahigpit na panuntunan sa Hunyo lalo pa’t dumarami na ang gumagamit nito.
Aniya, kahit na sa maliliit na lugar ay may tindahan ng vape at electronic cigarrette na hindi dapat dahil kailangan pa rin na masiguro na ligtas ang mga produkto.
Posibleng irekomenda rin ito sa kongreso para maisama sa Tobacco Regulation Act at Sin Tax Law.
- Latest