Pinigilan si Morales na makapasok ng HK dahil security threat umano ito, ayon sa immigration authorities doon.
Rudy Santos
Ex-Ombudsman Morales hinarang sa HK
(Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinarang kahapon sa Hong Kong International Airport si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Pinigilan si Morales na makapasok ng HK dahil security threat umano ito, ayon sa immigration authorities doon.

Bagaman pinayagan ang pamilya ni Morales na makapasok ng HK, si Morales ay inilagay sa isang isolated room at agad sinabihan na kailangan niyang sumakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas.

Magbabakasyon lamang sana sa HK ang pamilya ni Morales ng biglang sabihan ang dating Ombudsman na hindi siya makakapasok sa HK.

Matatandaang nag­hain ng reklamo sina Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario laban kay Chinese Presidente Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague.

Kaugnay ito sa nais na pagsasagawa ng imbestigasyon sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Inatasan naman ni DFA Sec. Teddy Locsin si Usec. Ernesto Abella upang bigyan ng tulong si Morales.

“We will render assistance to every Filipino in need of assistance abroad regardless of their political persuasion,” wika ni Locsin.

Kinalaunan ay pina­yagan na ring makapasok ng HK si Morales pero nagdesisyon ito na umuwi na lang ng Pilipinas.

CONCHITA CARPIO-MORALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with