Iprinisinta kahapon ng Philippine Military Academy ang top 10 ng PMA Mabalasik Class of 2019 na pinangunahan ng valedictorian na si Cdt. 1st Class Dionne Mae Apolog Umalla.
Artemio Dumlao
Babaeng kadete nag-top sa PMA
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanguna sa top 10 ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 si Cadet 1st Class Dionne Mae Umalla, ng Alilen, Ilocos Sur.

Sinabi ni Major Reynan Afan, PMA spokesman, Class Valedictorian si Umalla na tatanggap ng Presidential Saber mula kay Pangulong Duterte, Philippine Navy Saber mula naman kay Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad at Distinguished Cadet Award, Academic Group Award at iba pa.

Si Umalla ay mapapabilang sa Philippine Navy.

Si Umalla ang ika-limang babae na naging class valedictorian sa PMA simula noong 1993.

Gaganapin ang gra­duation ceremony sa May 26, araw ng Linggo kung saan inaasahang si Pangulong Duterte ang magiging guest of honor and speaker.

 

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY PHILIPPINE NAVY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with