Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, panahon na para bumalik na ulit sa manual o mix system ang eleksyon sa bansa dahil umano sa garapalang vote buying nitong midterm elections.
Manual election isusulong
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y talamak na dayaan nitong katatapos na eleksyon, isusulong ng Makabayan bloc sa 18th Congress ang pagbabalik sa manual election mula sa automated system.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, panahon na para bumalik na ulit sa manual o mix system ang eleksyon sa bansa dahil umano sa garapalang vote buying nitong midterm elections.

Paliwanag ni Zarate, kung magpapatuloy ang automated elections ay malamang hindi na paniwalaan ang resulta nito sa susunod pang eleksyon, bukod dito hindi rin umano masusunod ang mandato ng tao kapag hindi tama ang resulta ng mga susunod na halalan.

Inihalimbawa ng kongresista ang nangyaring pitong oras na systems glitch at pagkasira ng mga machines, SD cards gayundin ang transparency server.

Ito rin umano ang dahilan kaya kahit ang mga bansang Germany na kabilang sa first world country ay bumalik na sa manual elections mula sa automated dahil hindi rin masiguro ang kredibilidad sa resulta ng mga nakaraan nilang eleksyon.

MANUAL ELECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with