Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, hinihintay pa ng National Board of Canvassers ang resul­ta na manggagaling sa Wa­shington, DC na umaabot sa 200,000 voters. Maging ang mga election returns mula sa Los Angeles ay hinihintay pa at dadalhin pa sa Washington at saka isasagawa ang canvassing.
Edd Gumban
Proklamasyon ng mga senador ‘di natuloy
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi natuloy ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nanalong senador ngayong midterm elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, hinihintay pa ng National Board of Canvassers ang resul­ta na manggagaling sa Wa­shington, DC na umaabot sa 200,000 voters. Maging ang mga election returns mula sa Los Angeles ay hinihintay pa at dadalhin pa sa Washington at saka isasagawa ang canvassing.

Kasabay ng paghingi ng paumanhin, sinimulan na rin ng Comelec ang canvassing ng mga balota na mula sa Kingdom of Saudi Arabia.

Sinabi ni Jimenez na nais lamang nilang matiyak na hindi na maaapektuhan ang bilang sa mga hinihintay na balota.

Kaugnay nito, sinabi ni Jimenez na posibleng ngayon o bukas maipoproklama ang mga winning senators.

Plano rin ng Comelec na maiproklama ng sabay ang mga nanalong senador at party-list groups.

COMMISSION ON ELECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with