Ang resignation letter ni Pangilinan ay ibinigay kay Vice Pres. Leni Rob­redo, chairperson ng partido subalit tinanggihan umano ng huli. Magiging epektibo ang kanyang pagbibitiw bilang pangulo ng LP sa June 30.
Kiko nag-resign bilang LP pres.
Rudy Andal, Malou Escudero, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbitiw kahapon bilang presidente ng Libe­ral Party (LP) si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan matapos walang manalo sa mga kandidato ng Otso Diretso sa nakaraang senatorial elections.

Si Pangilinan ang nagsilbing campaign manager ng Otso Diretso.

Ang resignation letter ni Pangilinan ay ibinigay kay Vice Pres. Leni Rob­redo, chairperson ng partido subalit tinanggihan umano ng huli. Magiging epektibo ang kanyang pagbibitiw bilang pangulo ng LP sa June 30.

Ayon kay Pangilinan, inaako niya ang buong responsibilidad ng resulta ng nakaraang national elections. 

Samantala, nagbitiw din kahapon bilang Secretary General ng LP si 6th district Rep. Christopher “Kit” Belmonte.

Pinuri naman ng Ma­lacañang ang ginawang pagbibitiw ni Pangilinan.

“That’s commen­dable. He accepts defeats,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. 

FRANCIS “KIKO” PANGILINAN LIBE­RAL PARTY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with