^

Bansa

Proklamasyon ng mga nanalong senador ikinasa

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Proklamasyon ng  mga nanalong senador ikinasa
Patuloy ang mga student volunteer ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa encoding ng mga election return sa PPCRV canvassing and monitoring center sa Manila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kasado na nga­yong araw ang proklamasyon ng 12 nanalong senador sa halalan noong Mayo 13.

Ayon kay Director James Jimenez, ta­gapagsalita ng Commission on Elections, hapon nila itinakda ang proklamasyon para sa mga senador dahil  sa umaga naman ang proklamasyon ng mga nanalong partylist organizations.

Gayuman inamin ng Comelec na ina­asa­­han pa nila ang  posib­leng pagbabago lalo pa’t umaabot sa 1,050,681 boto ang  magmumula sa Isabela. Maaari pa kasi itong makaapekto sa boto ng nasa pang-12 at pang-13  puwesto.

Inaasahang ma­tatapos na ng National Board of Canvassers o NBOC ngayong araw ang  canvassing ng mga boto para sa 2019 midterm elections. Mula sa 167 Certificates of Canvass o COC, 162 na ang nabilang ng NBOC.

Hinihintay pa ng Co­melec ang nala­labing 1, 683, 938 votes mula sa lalawigan ng Isabela; Washington, New York, San Francisco at Los Angeles sa United States; Osaka at Tok­yo, Japan; Riyadh, Al-Khobar at Jeddah, Saudi Arabia at Abuja, Nigeria.

Kaugnay nito, na­ngu­nguna pa rin sa bilangan si Re-electionist Senators Cynthia Villar, Grace Poe, Bong Go, Pia Cayetano, Ronald “Bato” Dela Rosa, Sonny Angara, Lito Lapid; Imee Marcos, Francis Tolentino, Koko Pimentel, Bong Revilla, Nancy Binay habang pang-13 si JV Ejercito na sinundan ni Bam Aquino at Jinggoy Estrada.

Samantala, sinabi ni Jimenez na inaasahan nilang dadalo si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa proclamation ng mga winning senatorial candidates.

Kailangan din ang paghahanda dahil may­roong mga security at security protocol na dapat na ipatupad sakaling dumalo si Pangulong Duterte.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with