^

Bansa

Sotto: Ex-Pasig Mayor Eusebio 'mapapahiya' kung iproprotesta ang pagkakatalo

Philstar.com
Sotto: Ex-Pasig Mayor Eusebio 'mapapahiya' kung iproprotesta ang pagkakatalo
Litrato nina Pasig City Representative-elect Roman Romulo (kaliwa) at Pasic City Mayor-elect Vico Sotto (kanan).
Facebook/Vico Sotto

MANILA, Philippines — Imbis na kwestyonin ang kanyang pagkapanalo sa eleksyon, in-engganyo ni Pasig City Mayor-elect Vico Sotto ang kasalukuyang alkalde ng lungsod na makipagtulungan na lang sa kanila.

"I'm willing to work with him [Robert "Bobby" Eusebio] so that we could have a smooth transition in our local government," sabi ng 29-anyos na pulitiko sa panayam ng ANC.

(Handa akong makipagtulungan sa kanya [Robert "Bobby" Eusebio] para maging swabe ang transisyon ng ating lokal na pamahalaan.) 

Iprinoklamang panalo si Sotto kontra kay Eusebio hapon ng ika-14 ng Mayo.

Minarkahan ng kanyang pagkapanalo ang pagtatapos ng 27 taong pamumuno ng pamilya Eusebio sa nasabing lungsod.

Hindi pa rin tinatanggap ni Eusebio ang pagkatalo, kung kaya't maghahain daw sila ng election fraud case laban kina Sotto.

"Kami ay maglalatag ng protesta laban sa pangyayari dito sa Pasig. Gusto namin maging malinaw, kasi alam ng tao kung sino ang ibinoto [nila]. Kung sino ang nanalo,"  sabi ni Eusebio sa panayam ng UNTV.

Sotto: Sila ang incumbent

Minaliit naman ni Sotto ang alegasyon lalo na't  hindi naman daw siya ang nakaupo sa pwesto nang mangyari ang halalan.

"[If] he does push through with that (Kung itutuloy niya), parang medyo nakakatawa naman. Sila 'yung incumbent. Hawak nila 'yung ballot boxes. They had custody over the ballots and the ballot boxes (Sila ang may hawak ng mga balota at ballot boxes)," dagdag ni Sotto, na anak ng aktor at komedyante na si Vic Sotto.

"I hope it's not true (Sana hindi totoo), I hope that maybe mainit lang 'yung ulo niya when he said that. But I really think [that], if he does push through with it (Sa tingin ko talaga, kung itutuloy niya), siya naman po ang mapapahiya, hindi naman po kami."

Gayunpaman, sinabi ni Sotto na karapatan naman ni Eusebio magprotesta, pero sana ay mag-"move on" na lang daw ang lahat.

Ayon naman kay Roman Romulo, na Pasig representative-elect, kahit na matagal na niyang kilala ang mga Eusebio ay hindi raw sila nilalapitan ng mga ito. 

Magkasamang tumakbo sina Romulo at Sotto sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.

Sulat inihahanda ni Vico kay Bobby

Kinumpirma naman ni Sotto na sinimulan na niyang lumapit sa ilang tao nina Eusebio.

Aniya, wala siyang direktang contact sa dating mayor kung kaya't ginagawa niya ito.

"Kung wala pa rin po in the next few days, I'll write a letter to him," dagdag niya.

Nang tanungin kung ano ang lalamanin ng sulat, ito ang kanyang sinabi: "That I'm willing to work with him. I'm willing to work with him not for my benefit, not for the benefit of Cong. Roman or any politician but for the benefit of all Pasigueños." — James Relativo

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

PASIC

ROBERT EUSEBIO

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with