_ngayon
^

Bansa

Manila Bay reclamation 'di prayoridad ni Mayor-elect Isko Moreno

James Relativo - Philstar.com
Manila Bay reclamation 'di prayoridad ni Mayor-elect Isko Moreno
"Hindi ito uunahin ng aking administrasyon. Sa halip, gusto nating imaksimisa at paunlarin ang mga lupaing meron na tayo, partikular ang Ermita at Binondo," sabi niya sa Ingles.
The STAR/Edd Gumban, File photo

MANILA, Philippines — Imbis na pagtuunan ng pansin ang reclamation ng Look ng Maynila, magfo-focus daw si Manila Mayor-elect Francisco "Isko" Moreno Domagoso sa pagpapaunlad ng mga ibang lupain ng lungsod.

"It's not going to be our priority under my administration. Instead, we want to maximize and develop the land we already have, particularly in Ermita and Binondo," sabi ni Moreno sa isang pahayag ngayong Lunes.

(Hindi ito uunahin ng aking administrasyon. Sa halip, gusto nating imaksimisa at paunlarin ang mga lupaing meron na tayo, partikular ang Ermita at Binondo.)

Ilang mayor na reclamation projects ang iniwang nakabinbin ni dating Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada, kabilang diyan ang:

  • Horizon Manila (417 ektarya)
  • Manila Waterfront City (318 ektarya)
  • New Manila Bay International Community (407.42 ektarya)
  • Manila Solar City project (184 ektarya)
  • Manila Harbour Centre sa Tondo (50 ektarya)

Dati nang kinundena ng ilang grupo ang mga naturang reclamation projects dahil magpapalisan daw ito ng 300,000 pamilya, magdadala ng mga pagbaha at mas malaking banta sa kalikasan.

Ayon kay Domagoso, kailangan na raw makahabol ng Maynila sa mga karatig bayan nito dahil napag-iiwanan na raw sila.

"Under our 10-year infrastructure plan, we're going to create a new 'Mercado de Divisoria' for our vendors, a vertical in-city housing program for residents, and a new city walk in Ermita for bikers and pedestrians to reduce foot traffic along major roads," dagdag ng actor-turned-mayor.

(Sa ilalim ng ating 10-year infrastructure plan, gagawa tayo ng bagong 'Mercado de Divisoria' para sa ating mga maninida, isang vertical in-city housing program para sa ating mga residente, at bagong city walk sa Ermita para sa mga nagbibisikleta at mga naglalakad para mabawasan ang foot traffic sa kahabaan ng mga mayor na kalsada.)

Mangingisda sa posisyon ni Isko

Dalawang linggo na ang nakararaan nang unang ikatuwa ng mga militanteng mangingisda ang campaign promise ni Domagoso na titindig laban sa mga reclamation projects sa Manila Bay.

Aniya, umaasa silang maibabasura ito ng papaupong alkalde dahil makaaapekto raw ito sa kanila.

"We laud... Isko Moreno for standing alongside the people in calling for a genuine rehabilitation of Manila Bay and opposing the destructive reclamation projects that will further devastate its ecosystem," sabi ni Fernando Hicap, pambansang tagapangulo ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas.

(Pinapupurihan namin si Isko Moreno sa kanyang pagtindig kasama ang taumbayan na nananawagan ng tunay na rehabilitasyon ng Manila Bay at paglaban sa mapaminsalang reclamation.)

Sinabi ito ni Hicap sa kabila ng nangyaring cleanup drive sa Manila Bay, na ginagawa lang daw kadikit ng reclamation ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap.

"The rehabilitation of Manila Bay sans reclamation should be the utmost priority of the next elected leader of Manila because it is crucial not only to the livelihood of thousands of fishing families that rely on its marine resources, but also in the aspects of our culture, history, and natural heritage," dagdag ni Hicap.

(Ang rehabilitasyon ng Manila Bay na walang reclamation ang dapat unahin ng susunod na pinuno ng Maynila dahil mahalaga ito 'di lang sa kabuhayan ng libu-libong pamilyang mangingisda na umaasa sa yamang tubig, ngunit dahil na rin sa kinalaman nito sa ating kultura, kasaysayan at pagkikilanlan.)

Noong 2018, iniulat ni Environment Secretary Roy Cimatu na aabot na sa 330 milyon ang fecal coliform sa tubig nito kada 100 milliliters, malayo sa ligtas na lebel ng 100 MPN/100ml.

Matatandaang inilipat naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapangyarihang mag-apruba ng reclamation projects sa ilalim ng Office of the President nitong Pebrero..

ISKO MORENO RECLAMATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with