Sa isang larawan na ipinadala ni dating Presidential aide Bong Go, makikita ang Pangulo na may hawak na Sunday copy ng isang pahayagan habang nasa Bahay Pangarap sa Malacañang Park.
Digong hindi naospital - Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang katotohanan ang kumalat na tsismis na isinugod umano si Pangulong Duterte kahapon ng madaling araw sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

“There is no truth to the rumor circulating that President Rodrigo Roa Duterte is confined in Cardinal Santos Medical Center in San Juan,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sa isang larawan na ipinadala ni dating Presidential aide Bong Go, makikita ang Pangulo na may hawak na Sunday copy ng isang pahayagan habang nasa Bahay Pangarap sa Malacañang Park.

May kumalat na tsismis na isinugod daw ang Pangulo sa nasabing pagamutan at nasa code blue umano ang pagamutan at isinara ang parking lot dahil naroroon daw si Pangulong Duterte.

“The President is in his residence at the Pa­lace signing papers. I just talked to him, he is neither confirming nor denying that he went to the hospital,” pahayag ni Panelo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na natsismis na isinugod ang Pa­ngulo sa Cardinal Santos Hospital.

BONG GO RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with