Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na isa sa option ang muling pagpapatupad ng deployment ban sa Gulf state.
FIle
Deployment ban sa Kuwait ibabalik
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

Sa pagkamatay ng Pinay worker

MANILA, Philippines — Posibleng ipatupad muli ang deployment ban ng household service workers (HSW) sa Kuwait dahil sa isa na namang kaso ng brutal na pagkamatay ng isang Pinay sa kamay ng kaniyang amo.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na isa sa option ang muling pagpapatupad ng deployment ban sa Gulf state.

Kamakalawa ay tiniyak ni Bello na hindi nila pababayaan ang kaso ng 47-anyos na si Constancia Lago Dayag na pinatay sa Kuwait dahil bukod sa hustisya, maraming mga paglabag sa kasunduan sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas sa protection ng overseas Filipino workers (OFWs) na lumulutang na may nagawang breach of employment contract ang amo ni Dayag.

Noong nakalipas na taon ay ipinatupad na ang deployment ban sa nasabing bansa dahil sa mga pag-abuso at pagkamatay ng mga OFW partikular nang maireport ang pagkadiskubre sa bangkay ni Joanna Demafelis na itinago sa freezer ng kaniyang amo matapos patayin.

Nabawi ang ban ng magkaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) ang dalawang bansa na nagbibigay ng mas pinalakas na protection para sa mga manggagawang Pinoy sa Kuwait.

Samantala, magbibigay ng financial aid sa pamilya ang Overseas Workers Welfare Administration para sa death, burial benefits, livelihood at scholarship para sa mga anak na nag-aaral pa ni Dayag, ayon sa mensaheng ipinadala ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

Matatandaang iniulat na si Dayag ay nadala pa sa Al Sabah Hospital sa Kuwait na nagtamo ng maraming pasa at hematoma at pinasakan pa ng pipino (cucumber) ang ari nito dahilan upang hindi na umabot ng buhay.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with