Malacañang kay Sandra Cam: Mag-resign ka na
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa gitna ng kahili­ngan ni Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) board director Sandra Cam na tanggalin na siya ni Pangulong Duterte sa puwesto dahil hindi na matagalan ang korapsiyon sa ahensiya, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na maaari itong magbitiw sa puwesto.

Ginawa ni Panelo ang pahayag matapos ang seryosong mga alegasyon ng korupsiyon ni Cam lalo na sa “internal decision-making process” ng PCSO.

“As to Ms. Cam’s request to relieve her in her present post, she does not have to wait for her relief by the President. She can tender her resignation if she cannot stand the alleged corruption within the PCSO,” sabi ni Panelo.

Hiniling na rin ng Malacañang kay Cam na isumite ang kanyang reklamo sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), na direktang nasa ilalim ng Office of the President upang ito ay maaksiyunan.

Sinabi rin ni Panelo na maaaring maghain ng kaso ng katiwalian si Cam sa mga opisyal ng PCSO at magbigay ng kanyang mga ebidensiya sa PACC.

“She could file corruption charges against the PCSO officials and submit proof of her allegations before the said commission,” sabi ni Panelo.

Tiniyak ni Panelo na ipag-uutos ng Pangulo ang isang “full blown investigation” sa mga sangkot upang masampahan ng kaukulang kaso.

Wala umanong sasantuhin ang Pangulo kahit pa ang mga malalapit nitong kaibigan kung sangkot sila sa katiwalian.

Sinabi rin ni Panelo na walang “sacred cows” sa administrasyong Duterte.

“We repeat: There are no sacred cows in this Administration,” ani Panelo.

Mas makakabuti aniyang ilantad ni Cam ang mga tiwali at tiyak namang papakinggan ng Pangulo ang mga whistleblowers na katulad niya.

SANDRA CAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with