Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media briefing, bilang alter ego ni Pangulong Duterte ay nagdesisyon si Sec. Locsin para sa recall ng ambassador ng Pilipinas sa Canada matapos hindi masunod ng Canadian government ang itinakdang May 15 deadline upang kunin nila ang tone-toneladang basura na itinambak sa Pilipinas noong 2013 at 2014.
KJ Rosales
Philippines envoy sa Canada ni-recall dahil sa basura
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinauwi ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin ang ambassador ng Pilipinas sa Canada gayundin ang mga consul nito matapos mabigo ang Canadian government na kunin ang kanilang basura na itinambak sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media briefing, bilang alter ego ni Pangulong Duterte ay nagdesisyon si Sec. Locsin para sa recall ng ambassador ng Pilipinas sa Canada matapos hindi masunod ng Canadian government ang itinakdang May 15 deadline upang kunin nila ang tone-toneladang basura na itinambak sa Pilipinas noong 2013 at 2014.

Ayon sa Malacañang, hanggang hindi nakukuha ng Canada ang kanilang basura ay mananatili ang pag-recall sa envoy ng Pilipinas sa Canada.

Nauna rito, inihayag ng Canadian embassy sa Pilipinas na handa nilang pasanin ang gastos upang maibalik sa kanilang bansa ang tone-toneladang basura.

Nagbanta pa si Pa­ngulong Duterte na kapag hindi kinuha ng Canada ang kanilang basura ay siya mismo ang magbabalik nito at itatambak niya sa mga beaches ng Canada ang nasabing mga basura.

Nangako naman ang Canadian government na sila ang gagastos sa pagbabalik ng itinambak nilang basura na lulan ng 103 containers.

“The President is firm that we are not garbage collectors, thus he ordered that the Philippines will no longer accept any waste from any country,” dagdag pa ni Panelo.

CANADA TRASH TEDDY LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with