Sa video, makikitang isa-isang minamarkahan ng 'di pa kilalang indibidwal ang maraming balota.
Video grab from Kabataan party-list
Comelec iimbestigahan ang diumano'y 'pre-shading' ng balota sa Lanao del Sur
James Relativo (Philstar.com) - May 16, 2019 - 5:18pm

MANILA, Philippines — Maglulunsad ng pormal na imbestigasyon kaugnay ng kumakalat na video patungkol sa mga balotang nauna na raw initiman, sambit ng tagapagsalita ng Commission on Elections Huwebes.

Sa video, makikitang isa-isang minamarkahan ng 'di pa kilalang indibidwal ang maraming balota.

Ang insidente, sinasabing nangyari raw sa Lanao del Sur.

"We’ll request assistance from Facebook and perhaps refer it to appropriate authorities for forensic analysis. But we’re not dismissing it as fake. We’re not ready to make that determination yet," sabi ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang press conference sa Pasay City.

(Hihingi kami ng tulong mula sa Facebook at siguro'y isasangguni sa mga otoridad para sa forensic analysis. Pero hindi pa natin sinasabing peke 'to. 'Di pa tayo handang husgahan 'yan.) 

Ikinabahala ng marami ang nilalaman ng video na maaaring dumungis daw sa kredibilidad ng 2019 midterm elections.

Sa panayam ng GMA News TV, sinabi ni Jimenez na napanood na raw niya ito kung kaya't nagsisimula na raw sila ng panimulang pag-aaral dito.

Gayunpaman, kakaunti lang daw ang impormasyon na kayang mahinuha mula sa video.

"[T]here’s a little to tell you who is doing the shading (kakaonti ang malalaman natin kung sino ang nagmamarka), ano siya sa context ng halaan and so on. Hindi natin alam kung sino nag-upload, hindi natin alam kung saan nanggaling," wika niya sa parehong press conference.

Ang tanging alam lang daw ng lahat dito ay ang kalakip nitong caption.

Hindi naman daw makikialam sa imbestigasyon nito ang Malacañang, sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo.

'Maghain ng reklamo'

Inudyok naman ni Jimenez ang sinumang may impormasyon patungkol sa video na maghain ng reklamo. 

"If it’s the original uploader themselves, then so much better," dagdag niya.

(Kung ito ang orihinal na nagpaskil nito, mas okey.)

Pero duda naman ang tagapagsalita na maaapektuhan nito ang kalalabasan ng eleksyon sa buong bansa.

Dapat din daw ay malaman kung gaano kalaki ang saklaw ng apektado ng inilulutang na problema.

"[I]t's hard to imagine naman na naapektuhan na ang 'yung buong Pilipinas. So wherever that is na operation, 'yung fake ballots na 'yon, then certainly, magkakaroon ng issue doon, 'no."

Pinaalalahanan naman niya ang lahat na huwag magpadalos-dalos sa pagpapaniwala rito.

Aniya, dapat pa raw itong dumaan sa mas masusing pag-aaral.

"Sabi nga nila, patunay daw na dayaan 'yan kahit na kamay lang ang nakikita. But that's precisely the point. Kung kamay lang ang nakikita mo, then the video proves nothing, except na may kamay na nakikita. Kailangang patunayan 'yung content of the video, especially 'yung konteksto ng content na 'yon," kanyang paliwanag.

Suspensyon ng eleksyon?

Kaugnay ng alegasyon, sinabi ng poll body, bukas sila na "i-quarantine" ang resulta na magmumula sa lugar oras na matukoy nila kung saan ito nangyari.

"Is it possible that we suspend elections there? Why not? If it can be proven the ballots used were false, then yeah. Let’s suspend elections there by all means," ani Jimenez.

(Posible ba na isuspinde muna natin ang elesyon doon? Bakit hindi. Kung mapatutunayan na peke ang mga balota, sige. Isuspinde natin kung gayon.)

Matatandaang nakaranas ng ilang gusot ang halalan nitong ika-13 ng Mayo matapos pumalya ang ilang vote counting machines, SD cards, markers at pagpapadala ng datos. — may ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

2019 MIDTERM ELECTIONS COMMISSION ON ELECTIONS ELECTION OFFENSE JAMES JIMENEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with