Sen. Bam Aquino (kaliwa) at Sen. JV Ejercito (kanan).
The STAR/Michael Varcas, File; Senate PRIB File
Bam tanggal, JV pasok sa Magic 12 ng partial and official tally
(Philstar.com) - May 16, 2019 - 3:36am

MANILA, Philippines — Nahulog patungong ika-13 pwesto ang Otso Diretso senatorial candidate na si Sen. Bam Aquino sa partial and official results na inilabas ng Commission on Elections ngayong hatinggabi.

Kaiba sa partial and unofficial results, na nanggagaling direkta mula vote counting machines patungong transparency server, hinahalaw ito mula sa mga certificate of canvass ng 85,769 clustered precincts.

Kasalukuyang 89 sa 167 COC na ang naka-canvass bandang alas-dose ng umaga.

Matatandaang napakasok sa Magic 12 ang reelectionist na si Sen. Bam Aquino, Martes ng gabi, buhat ng 2,335,724 na boto.

Sa ngayon, lumalabas na si Aquino ang nakakuha ng pinakamataas na boto (5,722,776) mula sa Senate bets ng oposisyon.

Mula sa ika-13 pwesto kahapon, pasok naman sa winner's circle si Sen. JV Ejercito sa 6,079,028, dahilan para mapanatag sa ika-11.

Kapansin-pansin sa partial and official tally na wala pa rin si dating Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. sa top 12, 'yan ay kahit nasa ika-10 pwesto siya sa pinakahuling partial and unofficial results 11:44 p.m. ng Miyerkules.

Villar nangingibabaw pa rin sa lahat

Samantala, numero uno pa rin sa karera si incumbent at re-electionist Sen. Cynthia Villar, na umani ng 10,416,332 na boto.

Sinundan naman siya ni Sen. Grace Poe sa ikalawang pwesto na nakakuha ng 9,151,162.

Ang dating special assistant to the president na si Christopher "Bong" Go, matatag pa rin ang pananatili sa ikatlong pwesto sa botong 8,549,086.

Kasalukuyan namang nasa ika-apat, ikalima at ika-anim sina dating Sen. Pia Cayetano (8,417,229), Ronald "Bato" dela Rosa (8,025,527) at Sen. Sonny Angara (7,699,782).

Ang kontrobersyal namang gobernadora ng Ilocos Norte na si Imee Marcos, nasa ikapitong ranggo sa botong 7,157,978.

Si Sen. Lito Lapid naman, na kilala bilang "Pinuno" sa hit television show na "Ang Probinsyano," mataas pa rin sa tally matapos makapagtala ng 6,607,637.

Ang dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority na si Francis Tolentino, naman ay nakakuha ng 6,552,739.

Kukumpleto naman sa listahan ang PDP-Laban president na si Sen. Koko Pimentel (6,220,434) sa ika-10 pwesto at Sen. Nancy Binay (5,949,885) sa ika-12. — James Relativo

2019 MIDTERM ELECTIONS COMELEC PARTIAL AND OFFICIAL RESULTS SENATE RACE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with