Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na ipapasuri niya ang proseso ng bidding at yung pag-deliver ng cards.
SD cards ‘di babayaran ng Comelec
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi babayaran ng Commission on Elections (Comelec) ang supplier ng SD cards matapos pumalpak ang nasa 1,665 SD cards sa araw ng halalan.

Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na ipapasuri niya ang proseso ng bidding at yung pag-deliver ng cards.

“Pero ang gusto kong ia-announce, ito ha, this is my personal view, itong supplier ng SD cards ay hindi namin babayaran ng buo,” ani Guanzon.

Dapat ding irekomenda ng ibang commissio­ners ang hindi pagbaba­yad sa SD cards at mga gumanang SD cards lamang ang babayaran, ayon kay Guanzon.

Gayunman kaila­ngan pa ring sumalang ito sa Comelec en banc upang pagdesisyunan. Kahit na gumana ang iba, hindi pa dapat ba­yaran dahil hindi na-deliver ng tama.

“Yung hindi na-deli­ver ng tama, that’s 1,000 plus SD cards, you multiply that, we will not pay. Plus may penalty sila, dapat,” dagdag ni Guanzon.

Hindi pa nababaya­ran ng Comelec ang S1 Technology sa 85,000 SD cards na nagkakahalaga ng P22.6 million.

Lumilitaw na 1,665 ang naiulat na corrupted SD cards, o 1.9 percent ng  85,769 SD cards na ginamit ang nagkaaberya sa posibilidad na mababang kalidad nito.

Sinabi naman ni  Commissioner Marlon Casquejo, head  Comelec Steering Committee, na aprubado ng ABC (Approved Budget for the Contract) ang P80 milyon subalit dahil sa procurement rule na lowest bid, P29 milyon ang kanilang pinili.

Tinitignan din ng Comelec kung dapat na pagmultahin ang S1 Technologies dahil sa aberya.

COMMISSION ON ELECTIONS SD CARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with