Ayon kay Fr. Edwin Gariguez, executive secretary ng komisyon, hindi nila tuwirang ina­akusahan ang Comelec at Smartmatic ng pandaraya dahil hangad lamang nila na linawin at linisin ang bahid ng pagdududa ng taumbayan sa mahabang delay ng transmission of results.
Edd Gumban
Nanalong kandidato sa nat’l level ‘wag munang iproklama - CBCP
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinasususpinde ng  Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action (NASSA) ang proklamasyon ng mga kandidato sa National Level hanggat hindi napapatunayang walang naganap na pandaraya sa Commission on Elections at Smartmatic. 

Ayon kay Fr. Edwin Gariguez, executive secretary ng komisyon, hindi nila tuwirang ina­akusahan ang Comelec at Smartmatic ng pandaraya dahil hangad lamang nila na linawin at linisin ang bahid ng pagdududa ng taumbayan sa mahabang delay ng transmission of results. 

Iginiit ng Pari na mahalagang imbestigahan mismo ang Comelec at Smartmatic na kinakailangang pangunahan ng isang independent body o ng citizen’s arm upang matiyak na magiging patas ito at mapalalabas ang katotohanan. 

Sa pagsisimula ng transmission ng mga data ng boto noong Lu­nes, Mayo 13 ay naantala ito ng halos pitong oras. 

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with