Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos matanong ni Dela Rosa sa isang panayam sa telebisyon kung may seminar o training sa Senado para matutunan niya ang paggawa ng batas at nakahanda siyang sumailalim dito.
Michael Varcas
Training ni Bato sa Senado, sagot ni Lacson
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na dapat mag-alala si dating PNP general Ronald “Bato” dela Rosa kahit wala pa siyang alam tungkol sa paggawa ng batas dahil nakahanda si Sen. Panfilo Lacson na isailalim siya sa panibagong training sa ilalim ng kanyang superbisyon.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos matanong ni Dela Rosa sa isang panayam sa telebisyon kung may seminar o training sa Senado para matutunan niya ang paggawa ng batas at nakahanda siyang sumailalim dito.

Ayon kay Lacson, magkakasama naman sila ni Dela Rosa sa majority bloc at muli niya itong isasailalim sa training.

“Bato need not worry. He will undergo another period of plebehood under my supervision since we are both in the majority bloc,” sabi ni Lacson.

Tiniyak din ni Lacson na kakausapin ng mga kasalukuyang miyembro ng Senado ang mga bagong senador na papasok sa 18th Congress upang mabigyan ng tips at lectures katulad ng pinagdaanan niya noong una siyang maging senador.

Kapwa naging hepe ng PNP sina Lacson at Dela Rosa.

PANFILO LACSON RONALD “BATO” DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with